Kinondena ng maraming netizen ang naging pahayag ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na “lack of common sense” ang dahilan kung bakit nadadapuan ang ibang tao ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“THIS IS A PUBLIC SERVICE MESSAGE. If you have loss of sense of smell, or loss of sense of taste, these are the symptoms of COVID-19. Loss of common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease,” sabi ng dating alkalde sa kaniyang Facebook post noong Hulyo 13.
Hindi naitago ng ilang indibidwal ang kanilang inis at galit kay Bautista habang ang iba naman ay nagpahayag ng suporta sa mga frontliner na handang ialay ang buhay para makapaglingkod sa bayan.
Sa kabila ng ginagawang pag-iingat, nahahawa pa rin ang ilang magigiting na medical personnel dahil sila ang kadalasang close contact ng mga pasyenteng tinamaan ng virus.
“FYI: Former Yorme Herbert, Many of our Frontliners have to work longer and exposed themselves in a situation wherein you, yourself don’t want to. Every day for them is a battle to face psychosocial hazards, which are exacerbated during emergencies where demands increase and they have to experience risk of infection. And yet you have the guts to tell to the world what is common sense is all about?,” komento ng isang nanggagalaiting netizen.
Samantala, wala na sa Facebook timeline ni Bautista ang kontrobersiyal na post.