Pahayag ng grupong PISTON na wala silang pondo para sa modernization, hindi kinagat ni LTFRB Chairman Delgra

23

Manila, Philippines – Hindi naniniwala si LTFRB chairman Martin Delga III na walang kakayahan ang grupong PISTON na sumunod sa modernization program ng LTFRB.

Hanggang ngayon kasi nanatili sa Mendiola ang grupong PISTON sa pangunguna na ni George San Mateo para ipakita ang kanilang pagtutol sa pagtanggal sa mga lumang jeepney na may edad 15 taon pataas.

Ayon kay Delga, dapat may kakayahang may pang mentina ang mga operator para masigurong hindi mapahamak ang mga pasahero.

Giit pa ng opisyal ngayon lang nag karoon ng programa ang gobyerno na tutulong sa mga jeepney driver.

Facebook Comments