Napapatay na Maute Terror Group sa gulo sa Marawi City, umakyat na sa mahigit na apat naraan ayon sa Militar

32

Manila, Philippines – Umaabot na ngayon sa apat na raan at labing isang miyembro ng Maute Terror Group ang napapatay kaugnay sa ika-56 na araw na nararanasang gulo sa Marawi City.
Sa huling bilang pa na inilabas ng Armed Forces of the Philippines, nadagdagan ng 2 sundalo ang napapatay dahilan para umaabot na sa siyamnapu’t pito ang Killed In Action (KIA) sa panig ng tropa ng pamahalan.

Habang walongdaan at limangpu’t dalawa ang naitatalang sugatang tropa ng pamahalaan.

Isa naman ang missing in action.

Apatnaput limang sibilyan na rin ang napapatay.

Nanatili naman sa 1723 ang mga sibilyang na-rescue ng militar sa gulo sa Marawi City.

Facebook Comments