Iginagalang ni Deputy Speaker at Marinduque Representative LRay Villafuerte, ang pahayag at paniniwala ng ilang kongresista na dapat manatili si House Speaker Alan Peter Cayetano bilang lider ng kamara.
Sa kabila nito ay iginiit ni Villafuerte na susundin pa rin nila ang term sharing agreement sa pagitan nila ni Cayetano.
Base sa napag-kasunduan ng dalawa, mag-sisilbi bilang house speaker si Cayetano sa loob ng labing limang buwan at ang nalalabing termino ay pupunan na ni Villafuerte.
Pero tulad ng inihayag ni Cayetano, naniniwala si Villafuerte na dapat ituon na lang muna nila ang kanilang atensyon sa pag-tatrabaho.
Sa ngayon ilan sa mga priority bills na kanilang tinututukan ay ang pagbuo ng Coco Levy Trust Fund, pagtatatag ng Department of OFW, Water at Disaster Resilience, pagpapasa ng mga tax measures at ang pag-apruba sa 2020 National Budget.