Security Guard ng City Hall ng Urdaneta City tulak ng iligal na droga

Timbog ang isang security guard ng Urdaneta City hall sa isinagawang buy bust operation ng otoridad.
Sa isinagawang entrapement operation sa Brgy. Mabanogbog ng nasabing lungsod, nahulihan ng isang pakete ng hinihinalang shabu at marked money ang suspek na si Manuel Zarate, 48 anyos , security guard ng city hall at residente ng Brgy. San Vicente.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa Urdaneta City, security guard umano sa gabi ang suspek at tricycle driver naman sa umaga.
Samantala, inihain na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

Facebook Comments