Pahayag ng Indonesian Defense Minister na may 1,200 ISIS sa bansa, itinanggi ng pamahalaan

Manila, Philippines – Pumalag ang pamahalaan sa pahayag ng Defense minister ng Indonesia na mayroong 1,200 na miyembro ng ISIS sa Pilipinas.

Sa Mindanao Hour sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – hindi pa nila makumpirma ang nasabing bilang – pero aminado itong mayroong mga foreign terrorist sa bansa na naghahasik ng kaguluhan.

Ikinagulat naman ni AFP Spokesman B/Gen Restituto Padilla – ang bilang na isiniwalat ng Defense minister ng Indonesia.


Ayon kay Padilla, hindi totoong nasa mahigit isang libo ang miyembro ng international terrorist group sa bansa.

Gayunman, kung matatandaan makailang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapasok na nga sa bansa ang ISIS.

Sa international security forum sa Singapore, sinabi ni Defense Minister Ryamizard Ryacudu na sa 1,200 is members na nasa Pilipinas ay mayroong 40 na dayuhan na galing sa Indonesia.
DZXL558

Facebook Comments