
Iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paniniwala ni Congressman Rodante Marcoleta na wala sa mapa ang West Philippine Sea.
Ayon sa pangulo, personal na opinyon lamang ito ni Marcoleta.
Kandidato rin aniya sa midterm election ang kongresista kaya kailangan nitong paingayin ang kaniyang pangalan para makakuha ng boto.
Dagdag pa ng pangulo, magaling sa publicity si Marcoleta kaya tama lang ang kaniyang ginawa para sa isang kandidato.
Matatandaang sinabi ni Marcoleta na hindi totoo ang West Philippine Sea na bagay na inalmahan ng ilang mga opisyal ng gobyerno at mga eksperto.
Umani rin ito ng mga negatibong reaksiyon mula sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines at maging sa mga historian.
Facebook Comments