
Magsasagawa ng information campaign ang Kamara para ipaliwanag sa mamamayan ang proseso ng impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ito ni House Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor na isa 11 kongresista na miyembro ng prosecution team para sa paglilitis kay VP Sara na gagawin ng Senado na siyang tatayong impeachment court.
Binigyang-diin ni Defensor na dapat mailahad ng simple at malinaw ang bawat isa sa pitong Articles of Impeachment upang maunawaan ito ng publiko.
Facebook Comments