Pahayag Ng Misis Ni Spo3 Ricky Sta. Isabel Na Si Jinky, Gustong Pa-Imbestigahan Ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre

10

MANILA – Gustong pa-imbestigahan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang mga pahayag ng misis ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na si Jinky.Ito ay kasunod na rin ng sinabi ni Ginang Sta. Isabel na fall guy lamang ang kanyang mister at hindi ito ang utak sa pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.Ayon pa kay Aguirre, may mga ebidensyang ibinigay sa National Bureau of Investigation si Sta. Isabel at misis nito, na maaaring magpatunay na inosente nga si Sta. Isabel.Una nang nanawagan si Ginang Sta. Isabel sa senado na imbestigahan ang pagkamatay ni Jee.Kasabay nito, idiniin ni Ginang Sta. Isabel si Atty. Rafael Dumlao, team leader ng operasyon ang siyang utak sa pagpatay kay Jee.

Facebook Comments