Senado, Sisimulan Na Ang Pagdinig Ngayong Araw Kaugnay Sa Bribery Scandal Sa Bureau Of Immigration

23

MANILA – Sisimulan na ngayong araw ng senado ang imbestigasyon tungkol sa katiwalian na kinasasangkutan ng dalawang opisyal ng Bureau of Immigration.Kabilang sa ipinapatawag sa pagdinig ng senate blue ribbon at justice committee ay sina dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino, Mike Robles at dating Intelligence Chief Charles Calima.Imbitado rin sa pagdinig sina Justice Sec. Vitaliano Aguirre, online gaming tycoon na si Jack Lam at ang kinatawan ni Lam na si dating Police General Wally Sombero.Sabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng blue ribbon committee – nababagalan sila sa aksyon ng Dept. of Justice kaya minabuti na niyang magpatawag ng pagdinig.

Facebook Comments