Pahayag ng NPA na may mahigit isang libong sundalong casualties sa kanilang mga pag-atake sa taong 2019, hindi totoo

Nananaginip lang ng gising ang New People’s Army o NPA  sa ipinagmamalaki nilang mahigit isang libong sundalo ang casualties sa kanilang mga pag-atake sa taong 2019.

Sinabi ito ni AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo kaugnay ng inilabas na “Press Release” ng Communist Party of the Philippines sa ika-51 Anibersaryo ng NPA nitong weekend.

Sa press release, pinagmalaki ng mga komunista na nakagawa ang NPA ng 710 “Military Actions” laban sa pamahalaan noong 2019 kung saan 651 sundalo ang umano’y napatay, at 465 ang sugatan.


Giit ni Arevalo na wala namang naniniwala sa propaganda ng mga komunista kundi sila sila lang.

Katunayan aniya ay 40 Communist NPA Terrorist regulars at miyembro ng Milisyang Bayan ang sumuko dala ang 14 na armas nitong Sabado, Marso 28, isang araw bago ang kanilang anibersaryo.

Kaya hindi na aniya kailangan pang pansinin ng militar ang pahayag na ito ng mga komunista tungkol sa kanilang umano’y pagkapanalo laban sa AFP.

Facebook Comments