Pahayag ng pangulo na 6 na buwang palugit para mapabilis ang byahe mula Cubao hanggang Makati, isang kalokohan ayon sa sektor ng transportasyon

Hindi kumbinsido ang nasa transport sector sa pahayag  ni Pangulong Duterte na pagsapit ng Disyembre. Mapapabilis na ng 5 minuto ang byahe mula Cubao hanggang Makati.

 

Mismong taga mmada sa pamamagitan ni Officer John Bren Cornel ng MMDA ang nagsabi na mahirap itong mangyari dahil sa dami  ng mga pasaway na driver.

 

Imposible din ito ayon  sa taxi driver na si Emmanuel Gorinco  masyadong napaiksi ng anim na buwan para masolusyunan ang problema ng trapiko sa kahabaan ng EDSA lalupat hindi pa naman tapos ang mga transport infrastructure.


 

Sa katunayan, mas padami ng padami  ang mga sasakyan na dumadaan sa EDSA.

 

Matatandaa na isa ang isyu ng pagresolba ng trapik sa mga mga pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya noong 2016.

Facebook Comments