Pamamaril sa Provincial Prosecutor sa Oriental Mindoro kaninang umaga, kinumpirma ng DOJ

Nanawagan ang Dept. of Justice sa mga otoridad na imbestigahan at resolbahin ang pamamaril sa Provincial Prosecutor ng Oriental Mindoro kaninang umaga habang papasok sa kanyang bahay.

 

Nais ng DOJ na panagutin ang mga responsable sa pamamaril kay Provincial Prosecutor Josephine Olivar na nagtamo ng limangĀ  tama ng bala sa ulo at katawan.

 

Nanawagan din ng panalangin ang DOJ para sa kaligtasan ni Prosecutor Olivar.


 

9:30 kaninang umaga kanina nang pagbabarilin si Prosecutor Olivar sa Brgy. Bayanan 1, Calapan City sa Oriental Mindoro.

 

Si Prosecutor Olivar ay kinakailangang sumailalim sa ilang major operation dahil sa dami ng tama ng bala ng baril.

 

Mabilis nakatakas ang hindi pa nakilalang mga suspek. Blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa krimen.

Facebook Comments