Pahayag ng Pangulo na barilin ang mga magugulo ngayong nasa National Health Emergency ang bansa, panakot at panawagan lang na seryosohin ang mga umiiral na batas ayon sa PNP

Nais lang ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga umiiral na batas ngayong nasa National Health Emergency ang bansa kaya may pahayag itong barilin ang lahat ng indibidwal na manggugulo.

Ito ang sinabi ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa sa isang panayam sa harap ng mga nangyayaring public assembly kahit may banta ng COVID-19 at diskriminasyon sa mga health care workers.

Sinabi nya na kilala na ng lahat ng mga pulis ang personality ng Pangulo at naiintindihan na ng mga pulis ang nais puntuhin ng Presidente.


Kaya hindi mangyayari ang shoot to kill sa mga pasaway ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Sinabi pa ni Gamboa na mahigpit ang kanyang bilin sa kanyang mga tauhan na palaging pairalin ang maximum tolerance.

Panawagan naman ni Gamboa sa publiko na maging kalmado at sumunod sa mga patakaran dahil ito ay para sa kapakanan ng lahat.

Facebook Comments