Pahayag ng Pangulo sa kaniyang SONA na pagkakaroon ng bagong retirement benefits system para sa mga AFP recruit at officer candidates, welcome sa militar

Ikinatuwa ng militar ang pahayag ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa bagong retirement benefits system para sa mga recruit at officer candidates.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang bagong sistema na isinusulong ng Pangulo ay solusyon sa problema sa pension at retirement scheme ng AFP na kinukuha sa defense budget.

Sa kasalukuyang sistema, malaking bahagi ng pondo ng AFP ang napupunta sa pensyon ng mga retiradong sundalo dahil sabay ang pagtaas ng sahod ng mga aktibong sundalo at tinatanggap na pension ng mga restiradong sundalo.


Maliban dito ay hindi nag-co-contribute ang mga aktibong sundalo sa isang pensyon fund tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno.

Matatandaang una nang nagbabala ang Deparment of Budget and Management (DBM) na kung magpapatuloy ang kasalukuyang sistema, mas malaki pa ang gagastusin ng AFP sa mga retiradong sundalo kaysa sa ipinapasahod sa mga nasa aktibong serbisyo sa mga susunod na taon.

Facebook Comments