Pahayag ng Pangulo sa UN General Assembly sa usapin sa West Philippine Sea, umani ng papuri mula sa oposisyon

Ikinalugod ni Retired Senior Associate Justice Antonio Carpio ang naging paninindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pag-invoke ng Pilipinas sa arbitral award ng bansa sa West Philippine Sea.

Partikular na ginawa ng Pangulo ang paninindigan sa kaniyang pagsasalita sa UN General Assembly.

Ayon kay Carpio, nakakalugod ang pag-welcome ng Pangulong Duterte sa dumaraming bilang ng mga bansa na sumusuporta sa arbitral award na napanalunan ng Pilipinas laban sa China.


Kabilang sa naturang mga bansa ang US, France, Germany, UK, Australia at iba pa.

Sa panig naman ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, inihayag nito na ito ang unang pagkakataon na aniya’y nanindigan ang Pangulo at nagagalak siya na pinakikinggan ng Presidente ang kaniyang mga kababayan.

Magugunitang sina Carpio at del Rosario ay matagal nang umaapela sa pamahalaan na manindigan sa pagkapanalo ng Pilipinas na ina-angkin nitong teritoryo.

Facebook Comments