Naniniwala ang Philippine Hospital Association (PHA) na natalo na ang bansa sa laban kontra COVID-19.
Ayon kay PHA President Dr. Jaime Almora, nangyari na ang kanilang kinakatakutan na mapuno ang bawat ospital kasabay ng pagbaba ng bilang ng mga tauhan dahil sa dami ng trabaho.
Aniya, mahigit isang taon nang nakikipaglaban ang mga medical frontliners kaya’t ang ilan sa mga ito ay nakakaramdam na ng pagod.
Pero igiit ni Special Adviser to the National Task Force (NTF) Against COVID-19 Dr. Ted Herbosa na hindi pa natatalo ang bansa.
Paliwanag ni Herbosa, hindi pa nagsasara at lumalaban pa ang mga ospital kaya’t indikasyon ito na patuloy pa rin silang magsasalba ng buhay.
Umapela rin si Department of Health (DOH) Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire at sinabing hindi dapat sinasabing natalo na bansa dahil maraming Pilipino ang umaasa.