Pahayag ng UN High Commissioner for Human Rights kontra sa administrastyon, iresponsable ayon sa Malacañang

Pinalagan ng palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet kung saan sinabi nito na ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa War Against Illegal Drugs ay hindi sumusunod sa Rule of Law at hindi dapat tularan ng iba pang bansa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi tama ang impormasyong hawak ni Bachelet na nagmula sa mga kritiko ng administrasyong Duterte.

Binigyang diin ni Panelo na malayo sa katotohanan ang sinabi ni Bachelet na umabot na sa 27,000 tao ang napatay sa War on Drugs ng administrasyon.


Sinabi pa ni Panelo na dapat ika-alarma ang mga ganitong pahayag dahil posibleng magamit ito ng mga grupong may interes political sa bansa.

Facebook Comments