Top 10 Most Wanted Person sa bayan ng Ramon, Kalaboso!

*Ramon, Isabela- *Arestado na ng mga otoridad ang Top 10 most wanted person sa bayan ng Ramon matapos isilbi ang Warrant of arrest nito sa Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Juanito Bibat, 79 anyos, may-asawa at residente ng San Miguel, Ramon, Isabela.

Inaresto ng PNP Ramon si Bibat sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC Branch 36 Santiago City dahil sa kasong Frustrated Homicide.


Dinala na sa PNP Ramon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Bibat kung makakapagpiyansa ng halagang P72,000.00.

Facebook Comments