Pahayag ni Andanar laban sa EU, may negatibong epekto

Manila, Philipines – Nagbabala ang ilang mga kongresista sa negatibong implikasyon sa bansa sa pahayag ni Communications Sec. Martin Andanar laban sa Europian Union.

Ayon kina Magdalo PL Rep. Gary Alejano at Akbayan Rep. Tom Villarin, nagiging pangit ang imahe ng bansa hindi lamang sa EU kundi sa buong international community.

Anila, kilala ang mga Pilipino sa pagiging hospitable, magalang at may respeto pero sa mga binitawang salita ni Andanar ay maiisip ng international community na hindi ito totoo.


Dahil dito, posibleng maging mababa ang pagtingin ng ibang mga bansa sa Pilipinas at maapektuhan ang mga kababayan at mga OFWs na nasa Europe.

Paalala naman ni Villarin sa lahat ng government official na magkaroon ang mga ito ng standard of moral and decency sa lahat ng oras.

Facebook Comments