Pahayag ni DICT Sec. Honasan na hindi na masama ang 3-7 Mbps internet speed sa bansa, umani ng batikos sa mga netizen

COURTESY: GREGORIO HONASAN FB

Umani ng batikos sa mga netizen ang pahayag ni Department of Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan na hindi na raw masama ang kasalukuyang internet “speed” sa Pilipinas na tatlo hanggang pitong Mbps.

Sinabi ni Rizaldy Marcella sa kaniyang Facebook post na baka nagkalagayan na ng daang milyon sa DICT para di mabago ang internet kaya ganito na ang tono ni Honasan.

Sinabi naman Viterbo Guevarra, dapat ay hindi itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Honasan dahil parang galing sa ibang planeta.


Ayon naman kay Jess Paumig, sa umiiral na standard, 20 Mbps ang pinakamababang bilis ng internet.

Sinabi naman ni Yvette, huwag nang umaasa si Honasan sa input ng kaniyang mga research staff kundi subukan niyang mag-research ng sarili niya gamit ang matagal na internet.

Nagkakaisa ang mga netizen na sa halip na maghanap ng dahilan si Honasan, bilisan niyang kumilos at ipatupad ang internet speed na kaiinggitan ng mundo.

Facebook Comments