Pumalag si Philippine Ambassador to the China Alberto Encomienda sa naging pahayag ni DND Secretary Delfin Lorenzana na hindi naman Maritime Security umano ang nangyari sa usapin ng banggaan ng Chinese vessel at bangka ng Pilipino sa Recto Bank West Philippine Sea.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Ambassador Encomienda na dapat pagtuunan ito ng pansin ng pamahalaan at huwag ipagwalang bahala upang hindi masira ang pakikipag-relasyon natin sa bansang China.
Paliwanag ni Ambassador Encomienda tinatayang umaabot sa 84 na bilyong piso bawat taon ang nalikha ng Chinese Government sa Pilipinas kabilang na riyan ang renta,pagkain at iba pa, hindi pa kasama rito ang Govt. grants,donasyon at assistants,ibang private investments at mga major purchase mg mga pribadong indibiwals at 70 bilyong pisong nakukuha sa mga turistang Chinese na bumibisita sa bansa.
Dagdag pa ni Encomienda ang mga nangyaring insidente at mga balitang naglabasan ay madaling maintindihan pero ang pakikipag-ugnayan sa bnsa kailangan ay tinitingnan sa kabuuan ng pagkatao o kultura maging sa paghawak sa mga krises at paglutas sa mga iringan.
Giit ni Encomienda na kailangan hanapin,tukuyin at parusahan ang may kagagawan sa paglubog sa mangingisdang Pilipino at kailangan pag ingatan ang paglutas sa usapin at gumawa ng mga paraan para maiwasan na mangyari pa ulit ang naturang isidente.