Pahayag ni Duque na winarak ng COA ang DOH, sinopla ng mga senador

Sinopla ng mga senador ang pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III na winarak ng Commission on Audit (COA) ang Department of Health (DOH) dahil sa umano’y deficiencies sa paggamit ng P67.3 bilyong pondo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbbon Committee, iginiit ni Senator Richard Gordon na hindi winarak ng COA ang DOH sa kanilang 2020 audit report.

Aniya, ginagawa lamang ng COA ang kanilang trabaho at binigyan pa ng pagkakataon si Duque at ang DOH na sagutin at ayusin ang mga nakitang gusot sa pondo ng kagawaran.


Sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na hindi ito pa-contest ng kung anong ahensya ang maraming ginagawa, pinakapagod at nakakaawa.

Isyu aniya ito ng pananagutan, pagganap sa tungkulin at pagtupad sa mga pangakong naayon sa batas.

Kung may nawarak man aniya ngayong pandemya, ito ay ang kabuhayan at kinabukasan ng milyon-milyong Pilipino.

Facebook Comments