Pahayag ni Mago hinggil sa ‘intimidation’ ng Senado, walang katotohanan

Mariing pinabulaanan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pahayag ng dating admin officer ng Pharmally Pharmaceuticals Corp. na si Krizle Mago na siya ay na-“intimidate” o tila napilit na sabihing damay ang ibang opisyal ng Pharmally sa pag-uutos na pekein ang expired labels sa mga face shield.

Sa ika-15 paginig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon ay pinanindigan ni Mago na pressured response ang sinabi niya sa Senate hearing noong September 14 na utos ni Mohit Dargani na palitan ang manufacturing dates ng face shield na kanilang ibinenta sa gobyerno.

Dagdag pa ni Mago, napilitan lang din daw siyang sabihin na na-swindle o ginantso ng Pharmally ang gobyerno.


Pero giit ni Lacson, kung may “pressure” mang naramdaman si Mago nang humarap siya sa Senado, ‘yun ay para sabihin ang katotohanan at hindi magsinungaling.

Giit ni Lacson, binigyan niya ng sapat na oras si Mago na sagutin ang kaniyang mga katanungan nang walang pressure o pamimilit at pag-udyok.

Sa pagdinig nitong Biyernes, ipinakita ni Lacson ang video clip na nagpapakita na nag-testify si Mago kay Lacson kung saan sinabi niya na nautusan siya ng higher management na sabihan ang warehouseman na pekein ang expired labels sa face shields.

Sinabi naman ni Committee Chairman Richard Gordon kay Mago na perjury ang ginawa niya habang pinunto naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na si Mago mismo ang nagdawit sa pangalan ni Dargani.

Facebook Comments