Sang-ayon ang grupo ng mga negosyante sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng sa 2023 pa magbalik sa normal ang Pilipinas.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz-Luis Jr. na maaaring abutin pa nang dalawang taon bago bumalik sa normal ang bansa partikular ang ekonomiya.
Paliwanag ni Ortiz, hindi pa pwedeng bumalik sa normal ang buong bansa kung may mga iba pang mga lugar na apektado ng krisis at hindi pa fully operational ang transportasyon.
Samantala, naniniwala naman ang ekonomistang si University of the Philippines (UP) Professor Astro del Castillo na bago matapos ang 2021 ay malaki na ang naging paglago ng ating ekonomiya.
Paliwanag ni del Castillo, sa ngayon ay unti-unti nang binubuksan ang ating ekonomiya kung kaya’t inaasahang dadami na muli ang trabaho sa bansa.