Welcome para sa ilang presidential aspirants ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may papangalanan siyang pinaka-corrupt na presidential candidate bago ang May 9 elections.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, basta’t totoo ay makatutulong ito sa tao upang mas makilala pa ang mga kandidato.
Para naman kay Senator Manny Pacquiao, karapatan ni Pangulong Dutuerte na pangalanan ang sinumang kandidatong sa tingin niya ay “unfit” at corrupt at naniniwala siyang hindi siya ang tinutukoy rito.
Sinabi naman ng kampo ni Partido Reporma standard bearer Senator Panfilo Lacson na magiging basehan para sa pagsasampa ng kaso ang alegasyon ng pangulo kung mapapatunayan ito sa pamamagitan ng mga ebidensiya.
Samantala, iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno na ipapaubaya na niya sa mga tao ang pasya kung maniniwala sila o hindi sa isisiwalat ng pangulo.