Peak ng mga kaso ng COVID-19 sa iba pang rehiyon sa bansa, inaasahang maaabot na sa mga susunod na linggo ayon sa DOH

Inaasahang maaabot na rin ng iba pang rehiyon sa bansa ang peak ng mga kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ganito rin ang nangyari noong nakaraang taon sa surge ng Delta Covid-19 variant.

Sinabi ni Vergeire na naunang mag-peak noon ang NCR at makalipas lamang ang dalawa hanggang tatlong linggo ay naabot na rin ng ibang rehiyon ang peak at nagsimula nang bumaba ang mga kaso.


Malaking bagay din aniya ang mataas na vaccination rate sa bawat lugar upang mapanatiling kontrolado ang sitwasyon ng COVID-19.

Facebook Comments