Pahayag ni Pangulong Duterte na planong pagbenta ng government assets, hindi na kailangan – BSP

Iginiit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi na kailangan pang magbenta ang pamahalaan ng assets nito para makabili ng bakuna laban sa COVID-19.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang umutang at ibenta ang ilang government properties para makabili ng Coronavirus vaccine.

Pero paglilinaw ni BSP Governor Benjamin Diokno, nagbibiro lamang ang Pangulo sa kanyang pahayag.


Tiniyak ni Diokno na mayroong sapat na pondo ang bansa sa pagtugon nito sa pandemya.

Sa datos ng BSP, lumalabas na ang Gross International Reserves (GIR) ay nasa ₱93.32 billion nitong katapusan ng Hunyo.

Una nang tiniyak ng World Health Organization (WHO) na makakatanggap ang Pilipinas ng ‘equitable share’ ng COVID-19 vaccine kapag naging available na ito.

Facebook Comments