Pahayag ni Pangulong Duterte na tatakbo bilang bise presidente, tinawag na drama at taktika ng grupong Bayan

Naniniwala ang grupong Bayan na drama lang at taktika lang ang pahayag ng pangulo na tatakbo sya bilang bise presidente sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes na pakana lamang daw ito para mapaisip ang publiko kung sino ang tatakbo sa 2022.

Aniya layon din ito na mailayo sa pambabatikos ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.


Ayon pa rito, posible rin matuloy ang pagtakbo ng pangulo bilang bise presidente dahil sa banta ng mga kaso laban sa kanya tulad na lamang ng sa International Criminal Court (ICC).

Samantala, sinabi ni Reyes na sa kabila ng drama at maniobra hindi mailalayo ang isyu na may problema sa patuloy na pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19, ekonomiya, at nakakalunos na kalagayan ng Pilipino, mga hospital at nagsusulputang korapsyon.

Facebook Comments