Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga manggagawa nitong Labor Day, walang sustansya ayon sa Kilusang Mayo Uno

Manila, Philippines – Walang sustansya ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga manggagawa nitong Labor Day.

Ito ang sinabi ni Lito Ustarez, Vice Chairman for External and Political Affairs ng Kilusang Mayo Uno sa interview ng RMN.

Ayon kay Ustarez, bukod sa humingi ng dagdag na panahon ang Pangulo para matuldukan na ang kontraktwalisasyon wala ring malinaw na inanunsyo tungkol sa usapin ng dagdag sahod ng mga manggagawa.


Anya, umasa sila na may magandang sasabihin ang Pangulo na makakatulong sa hanay ng mga manggagawa pero walang pinagbago ang mga naging pahayag nito.

Samantala, patuloy itong nananawagan sa mga kapwa niya manggagawa na kalampagin ang pamahalaan para maibigay ang hiling na P750 na minimum wage sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments