Pahayag ni PRRD na hahabulin ang mga loan sharks, pinalagan

360

Manila, Philippines – Sa halip na iutos ang pagpapatigil sa 5-6 loan scheme, muling iginiit ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na dapat nang ipatupad ng gobyerno ang inihihirit na P10, 000 across-the-board increase sa sahod ng mga government teachers.

Sinabi ni Benjo Basas, National Chairperson ng TDC na matagal nang nakakapit sa 5-6 ang mga pampublikong mga guro.

Naniniwala si Basas na mananatili ang 5-6, sangla-ATM at iba pang mga iskema ng pagpapautang hanggang hindi natutugunan ang kasalukuyang kalagayang pang ekonomiko ng mga guro.

Idinagdag ni Basas na kahit ang DepEd proposal na financial literacy program ay hindi makatutulong dahil sa kakarampot na suweldo ng mga guro.

Nakahanda naman ang TDC na makipag-usap kay Pangulong Duterte na una nang nag-imbita ng diyalogo sa Malacañang.

Facebook Comments