Pahayag ni PRRD na magbibitiw sa posisyon kung tatakbo ang kanyang anak sa pagka house speaker, posible pang magbago – Palasyo

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na posibleng magbago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang sinabi na magbibitiw siya sa posisyon sakaling magdesisyon ang kanyang anak na si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na tumakbo sa pagka house speaker.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng naging pahayag ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na tatakbo siya sa pagka house speaker kung saan ay sinabi nito na baka makatulong siya dahil hating-hati ngayon ang Kamara.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, seryoso si Pangulong Duterte sa kanyang sinabi pero posible aniyang bawiin ito ng Pangulo depende sa mga mangyayari sa hinaharap at sa magiging desisyon ng Pangulo.


Sinabi ni Panelo na sa ngayon, ang sinabi ng Pangulo ay magbibitiw siya pero hindi pa alam ng lahat kung ano ang kahihinatnan ng mga mangyayari sa hinaharap.

Tatanungin nalang aniya niya kay Pangulong Duterte kung ano ang gagawin nito.

Wala naman kasi aniyang masama kung tatakbo si Paolo Duterte lalo kung kwalipikado naman ito.

Facebook Comments