Monday, February 9, 2026

Pahayag ni Sen. Marcoleta sa KIG, hindi pa maituturing na “treason” ayon sa palasyo; PBBM, naninindigang walang isusukong teritoryo ng Pilipinas

Nilinaw ng Malacañang na hindi pa maituturing na treason o pagtataksil sa bayan ang pahayag ni Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea at Kalayaan Island Group (KIG).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala namang umiiral na aktuwal na digmaan na isa sa pangunahing rekisito ng krimeng treason at bahagi rin ng tungkulin ng mga mambabatas ang makilahok sa mga debate sa Senado na saklaw ng Freedom of Expression.

Gayunman, binigyang-diin ni Castro na hindi nangangahulugan ang kalayaang ito ng malayang pagbibitaw ng pahayag na maaaring makasama sa pambansang interes.

Mariing iginiit ng Malacañang na hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang anumang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas o interes ng bansa ang isusuko sa anumang dayuhang kapangyarihan, partikular sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

Nagpaalala rin ang Palasyo na may malalim na epekto ang mga salitang binibitawan ng mga opisyal ng gobyerno, lalo na sa sensitibong isyu ng soberany na maaaring magbunga ng mas seryosong suliranin sa hinaharap.

Facebook Comments