Pahayag ni Sen. Ping Lacson na may kulang sa kampanya kontral iligal na droga ng gobyerno, nirerespeto ng PNP

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni presidential aspirant Sen. Ping Lacson na nakukulangan siya sa kampanya ng gobyerno kontra sa iligal droga.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, welcome sa kanila ang naging pahayag ng senador at inaamin nila ang mga pagkukulang nila.

Pero ayon sa PNP chief, ginagawa ng PNP ang kanilang trabaho katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Dagdag pa ni PNP chief na naniniwala rin siya na malaki ang nagbago sa drug situation sa bansa dahil sa mas pinaigting na drug operations.

Aniya marami na ang mga naaresto at napasuko na drug suspek at mga nadiskubreng mga laboratoryo ng shabu.

Habang gumagana naman aniya ang justice system sa bansa dahil napapanagot naman ang lahat ng mga dapat mapanagot.

Facebook Comments