Davao, Philippines – Hindi na ipinagtaka ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang mga pahayag ni Senadora Riza Hontiveros na pumapanig sa Maute terrorist group.
Ito ay kahit na mahigpit na kinukwestyon ni Davao City Mayor Inday ang pahayag ni Senador Hontiveros na di matawag na rebelyon ang ginawa ng Maute group na paghasik ng kaguluhan at pag-okupa sa lungsod ng Marawi.
Dagdag pa ni Mayor Inday na maliwanag na may nagawang krimen ang Maute terrorist group kaya mahirap na maintihan kung pumanig pa ang senadora sa mga grupo.
Una nang inihayag ng senadora na hindi maikokonsidera na may rebelyon sa marawi dahil hindi mga mamayan ng marawi ang nag-aklas laban sa pamahalaan kundi ang mga Maute lamang.
Hindi rin umano maikokonsiderang invasion ang Marawi siege kahit na ang lahat ng mga elemento ng invasion ay present batay sa nakasaad sa konstitusyon ng bansa.
Ayon kay Hontiveros ito umano ang dahilan na kailangang magpulong ang kongreso at senado para sa joint session upang matalakay ang legalidad sa pagdeklara ng Martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 60 araw sa Mindanao.
DZXL558