Ngayon, sa ika-158 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, pinagtitibay natin ang ating pangako at pangarap na isang malayang at masaganang bukas. Ipinaglalaban natin na wakasan ang mga patakaran at kundisyon na nagpapanatili sa manggagawa na mahina at desperado.
Ang pagwawakas sa kontraktwalisasyon, pagbibigay ng maranga at nakapamumuhay na sahod, pati na rin ang sapat na serbisyong panlipunan, ay kabilang sa ating mga pinakakagyat na mithiin.
Pinakamahalaga, iginigiit natin na ang mga paraan na ginagamit natin upang ipagtanggol ang ating sarili – lalo na ang unyonismo – ay mga lehitimong paraan ng pagkilos na hindi dapat sumailalim sa panliligalig ng gobyerno o korporasyon o ninumang pwersa. Ang mga manggagawa ng ating bansa ay karapatdapat sa karapatan na malayang makapag-organisa ng ating mga sarili sa pagtatanggol sa ating mga interes. Walang puwang sa ating lipunan ang “red tagging”, “union busting”, pati na ang anumang uri ng pananakot. Habang naghahanda ang ating bansa na maghalal ng ating susunod na hanay ng mga pinuno sa 2022, papanagutin natin ang mga kandidato sa ating agenda sa paggawa. Tanging ang mga may track-record ng paggalang sa mga karapatan ng manggagawa, pagtatanggol sa ating mga unyon, at pagsusulong ng mga patakarang makamamamayan ang nararapat sa ating suporta. Magkagayunman, ang mga pinunong susuportahan natin ay palaging magiging mataas ang pamantayan. Hindi tayo magdadalawang-isip na mag-organisa sa ating mga opisina, magprotesta sa mga lansangan, at makipag-ugnayan sa gobyerno para protektahan ang sambayanang Pilipino, kahit sino pa ang maupo sa kapangyarihan.
Kahapon, pumirma ng covenant o tipan si VP Leni Rebredo kasama ang Alliance of Labor 4 Leni o ALL4Leni. Isinasaad ng tipan ang priority agenda para sa sektor ng paggawa: pagtataguyod ng ligtas at de-kalidad na mga trabaho gayundin ang green and climate jobs, pagkamit ng “nakabubuhay na sahod” para sa mga manggagawa, pagbibigay ng panlipunang proteksyon sa pamamagitan ng mga pampublikong serbisyo, pagpapalakas ng unyon sa mga manggagawa at mga karapatang pampulitika, at regular na pagdaraos ng konsultasyon sa paggawa.
Pipirmahan ngayon ng senatorial re-electionist na sina Risa Hontivero at Leila Delima, at senatorial candidate Chel Diokno, kasama ang inyong lingkod, ang parehong tipan o kasunduan.
Sa susunod na araw ay pipirma rin si Teddy Baguilat at Senador Trillanes na kasama natin sa senatorial ticket ng tandem ni VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Muli, ito si Atty Sonny Matula, Defender ng Manggawa, kasama ninyo!
Mabuhay ang manggagawa sa kaarawan ni Gat Andres Bonofacio.