Pahayag ni US Ambassador to the Philippines na ibabalik ang Balangiga bells, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim kaugnay sa Balangiga Bells na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o SONA.

Ito ang reaksyon ng Malacañang sa naging pahayag ni Ambassador Kim kung saan sinabi nito na tama lang na ibalik sa Pilipinas ang Balangiga bells.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, matagal nang gumagawa ng paraan ang Pilipinas para maibalik ang dalawang kampana na kinuha ng mga Amerikano noong Filipino American war noong 1901.


Sinabi ni Abella na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga kampana at nagsisilbing mahalagang ala-ala ng mga bayaning Pilipino na lumaban sa pananakop ng mga banyaga.

Facebook Comments