Itinanggi ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang paratang ni Vice President Leni Robredo na pinagtatakpan o pinoprotektahan nya ang mga pulis na nasa drug watch list ng Pangulo.
Ayon kay Gamboa walang batayan ang pahayag ng ikalawang pangulo, sa katunayan aniya isinasailalim pa nga sa Adjudication Process ang mga pulis na ito.
Sinasabi ni Robredo cover up ang ginagawa ng PNP sa Duterte drug watchlist lalo at ayaw rin kumpirmahin ni PNP Chief kung kasama ba talaga sa drug list si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido.
Giit ni Robredo kapag ordinaryong drug addict pinapatay agad pero kapag pulis may Presumption of Innocence.
Dumepensa rin si Gamboa sa pagbibigay ng PNP ng opsyon para mag early retirement ang mga pulis na nasa drug list.
Aniya hindi pa rin ligtas sa kasong kriminal ang mga ito kapag napatunayang guilty sila sa illegal drugs.