Pahayagang New York Times, sinisi si Pangulong Duterte sa paglala ng sitwasyon sa marawi

Manila, Philippines – Muling binatikos ng pahayagang “The New York Times” si Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban kasi sa pagtira nito sa war on drugs ng Duterte Administration – tila sinisi naman nito ngayon si Pangulong Duterte sa paglala ng sitwasyon sa Mindanao.

Sa editorial na pinamagatang “how ISIS grew in the Philippines” – nakasaad dito na lumala ang sigalot sa rehiyon dahil sa kayabangan ng Pangulo kung saan nuong December 2016 tinanggap nito ang hamon ng Maute Group na susunugin ang buong Marawi.


Imbis umano kasing tanggapin ang ceasefire offer ng Maute ay lalo nitong dinagdagan ang motibasyon ng grupo na sirain ang Marawi.

Payo naman ng New York Times – bawasan ang opensiba laban sa terorista at umpisahan ang negosasyon sa panig nito dahil makatutulong ang dahas at taktika ng Pangulo para masolusyunan ang nasabing krisis.

Facebook Comments