Pahayagang the New York Times, itinangging bahagi ng demolition job ang kanilang report ukol sa giyera kontra droga ng pamahalaan

36

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng New York Times na isang demolition job kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dokumentaryo nila patungkol sa giyera laban sa droga.

 

Ayon kay Andrew Glazer na siyang producer ng dokumentaryo na pinamagatang “When A President Says, I’ll Kill You,” sinabi nitong wala silang kahit anong motibo laban sa Pangulo.

 

Wala rin daw silang balak siraan ang gobyerno ng Pilipinas kundi nais lang ipakita ang panig ng mga biktima, survivors at mga naapektuhan ng giyera laban sa droga dito sa bansa.

 

Nakipag-ugnayan na aniya sila kay philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro S. Lapeña para makakalap ng mga impormasyon sa kanilang binubuong dokumentaryo at para na rin hindi maging bias ang kalalabasan nito.


Facebook Comments