Hold departure order laban kay Edgar Matobato, inilabas na

Manila, Philippines –Nagpalabas na ng hold departure order ang Panabo City-Regional Trial Court (RTC) laban sa self-proclaimed Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato.

 

Ang hold departure order ay inilabas matapos ang issuance ng arrest warrant laban sa kanya.

 

Sa nasabing hold departure order, hindi na pinapayagan si Matobato na lumabas ng bansa.

 

Una na siyang sinampahan ng kasong kidnapping at kasamahan nitong si Sonny Custodio matapos aminin ni Matobato sa Senado ang pagkidnap kay Makdum.

 

Napag-alaman na walang inirekomendang piyansa ang Panabo RTC para sa temporaryong kalayaan ng self-proclaimed DDS member.

 

Si Matobato ay nahaharap sa kasong kidnapping sa Turkish national at suspected terrorist na si Sali Makdum noong 2002.


Facebook Comments