Pahintulot ng MTRCB na maipalabas ang Barbie film, kinampihan ng isang kongresista

Suportado ni Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na pinamumunuan ni Chairperson Lala Sotto na pahintulutan ang pagpapalabas ng pelikulang “Barbie.”

Pasya ito ng MTRCB matapos suriin ang Barbie film na ipinagbawal sa Vietnam dahil sa mga eksena na nagpapakita ng mapa na may nine-dash line ng China.

Para kay Herrera sa nasabing hakbang ng MTRCB ay ipinamalas nito ang pagiging makatwiran, responsable at pagkakaroon ng konsiderasyon.


Naniniwala si Herrera na ang kapangyarihan ng MTRCB para i-ban ang kahit anong pelikula ay hindi dapat basta-basta ipinapataw nang walang sapat na basehan at pag-iingat.

Samantala, hiniling naman ni Herrera sa MTRCB at sa local movie and television industry na magrekomenda sa Kongreso ng mga panukala na magpapahusay sa regulasyon sa kanilang sektor.

Facebook Comments