Manila, Philippines – Pahirapan na ngayon sa mga kriminal at terorista ang pamemeke ng identity o pagkakakilanlan matapos na maisabatas ang National ID system.
Ayon kay AFP Spokesperosn Col. Edgard Arevalo, sa bagong batas madali na para sa militar at pulisya na matukoy kung peke o hindi ang ipinipresentang indentification card ng isang indibidwal.
Dahil dito, mahihirapan ang mga kriminal at terorista na makapaghasik ng gulo at makapang biktima ng mga inosenteng sibilyan.
Habang sa panig naman ng Department of National Defense sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa pamamagitan ng National ID system madaling matutukoy ng pamahalaan ang ang pangangailan ng bawat Pilipino.
Ito aniya ay sa harap na rin ng malimit na nararanasang kalamidad sa bansa.
Aniya, sa kabila ng mga magagandang benepisyong dulot ng national id system sa law enforcement operation tiniyak ng DND na mapapanatili nila ang pagrespeto sa privacy ng bawat indibdiwal.