Pahirapang pag-book ng ride ngayong araw, asahan na!

Umarangkada na kaninang alas-6:00 ng umaga ang tigil-pasada ng mga driver at operator ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Aabot sa 30,000 TNVS drivers ang nag-off line na, kaya asahang maraming pasahero ang mahihirapang mag-book ng kanilang ride.

Ayon kay Jun De Leon, chairperson ng Metro Manila Hatchback Community –ipoprotesta nila ang pagbabawal sa mga hatchback na sasakyan at ang umano ay pahirap na proseso sa pagkuha ng permit mula sa mga regulator.


Giit naman ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III – mas mainam na idulog sa kanila ang mga hinaing ng mga TNVS kaysa idaan ito sa protesta sa kalsada na makakaapekto lamang sa mga commuter.

Sinabi naman ni Brian Cu, presidente ng Grab Philippines – nakausap na niya ang ilang lider ng grupo ng TNVS.

Hindi rin sang-ayon si Cu sa transport holiday at sa halip ay idaan na lamang ito sa maayos na usapan ang problema.

Magbibigay din sila ng ‘tuloy pasada’ reward sa mga TNVS partners nito na hindi makikiisa sa transport holiday.

Magtatagal ang tigil-pasada hanggang mamayang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments