Paid post ng mga kandidato sa social media, tinututukan ng Comelec

Manila, Philippines – Masusing tinututukan ng Comelec ang paid posts ng mga kandidato sa social media.

Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, ito ay alinsunod na rin sa mas pinalawak na Fair Elections Act kung saan hindi lamang radyo, dyaryo at telebisyon ang tinutukan ng poll body.

Iginiit ni Jimenez na mayroon silang monitoring team na magta-track sa social media post ng mga kandidato para matukoy kung alin sa mga ito ang may bayad.


Una nang nagpaalala ang Comelec sa mga kandidato na ipa-rehistro na ang kanilang social media site.

Base sa Section 11 ng Resolution 1048, tatlumpung araw matapos ang eleksyon ay dapat maghain ng campaign expenditures ang mga kanidato.

Facebook Comments