Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa 259,000 litro ng smuggled fuel na nagkakahalaga ng P219.5 milyon sa Port of La Union, sa isinagawang operasyon noong Huwebes.
Ayon sa ulat ng BOC, ginamit ang “paihi” scheme, isang ilegal na paraan ng paglilipat ng kargamento kung saan ipinapasa ang langis sa mas maliit na tanker para makaiwas sa buwis at legal na inspeksyon.
Nabunyag ang modus matapos salakayin ng pinagsanib na pwersa ng BOC, Philippine Coast Guard, at National Bureau of Investigation (NBI) ang tanker na MT Bernadette, na siyang ginagamit sa operasyon.
Naaresto ang 10 tripulante ng tanker at 11 iba pang kasabwat sa isinagawang operasyon.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang iba pang posibleng sangkot sa smuggling operation habang pinangangasiwaan na ng BOC ang tamang disposisyon ng nasabat na fuel. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









