PAIIGTINGIN | DILG Usec. Martin Diño, iikutin ang lahat ng barangay sa buong bansa para matiyak ang kampanya laban sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Handang ikutin ni Dept. of Interior and Local Government (DILG) Usec. Martin Diño ang lahat ng barangay sa buong bansa.

Ito ay masiguro na maigting na ipinatutupad ang kampanya laban s ilegal na droga.

Sa interview ng RMN kay Diño – iikutin niya ang lahat ng Barangay sa buong bansa.


Pinagsusumite rin niya ng Drug Watchlist ang lahat ng Barangay Chairman sa bansa.

Nilinaw din ni Diño – wala siyang balak tumakbo sa mataas na posisyon.

Pero bukas siya sakaling kunin siya ng alinmang partido.

Bukod sa listahan ng mga Drug User at Pushers nanghihingi rin si Diño ng listahan ng mga pinaghihinalaang kriminal sa bawat barangay.

Babala ni Diño, ang hindi sumunod ay mapapatawan ng parusa.

Facebook Comments