Manila, Philippines – Sa harap ng umiiral na klimang pampulitika sa bansa, paiigtingin ng Commission on Human Rights (CHR) ang recruitment ng mga special investigators at mga abogado.
Ito ay kasunod ng napakabilis na pagkapasa na sa committee level ng proposed budget ng ahensya para sa 2019.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, layunin nito na punan ang pangangailangan sa kanilang mga regional offices.
Kaugnay pa rin ito ng pagpapalakas ng CHR ng protection services ng CHR at legal at financial assistance para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
Sa pamamagitan nito ay hindi na malilimitahan ang pagkilos ng CHR sa motu propio investigation na gagawin nila kaugnay ng mga isyu ng human rights violations.
Umaasa si De Guia na magiging maayos ang pagtalakay sa kanilang budget mula house plenary hanggang Senado.
Magugunita na una nang binantaan ang CHR na bigyan ng zero budget pero sa pagkakataong ito ay wala na umanong kinuwestyon pa sa gagastusin ng ahensya sa 2019.