RAID | 34 Chinese, arestado ng BI

27

Pasay City – Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 34 Chinese construction workers dahil sa iligal na pagta-trabaho sa construction site MOA Complex, Pasay City.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, agad nilang ipapa-deport ang naturang mga Chinese kapag napatunayan na wala silang working visa mula sa DOLE.

Lumalabas kasi sa paunang imbestigasyon na nagpanggap na mga turista ang naturang mga dayuhan.

Una nang nagsagawa ng surveillance activities ang mga otoridad bago ikinasa ang nasabing raid.

Nagbabala naman ang BI sa iba pang mga dayuhan na gumagawa ng paglabag sa Philippine Immigration Laws.

Facebook Comments