Libo-libong mga tao ang dumagsa sa ‘Christmas Lighting Ceremony’ sa Tayug Plaza para personal na makita ang pailaw ng bayan at fireworks display na nagmistulang fiesta sa dami ng tao.
Tampok sa ceremony ang Christmas Tree na may mga disenyong teddy bears, mga Belen, makulay na fountain, fairytale like na castle, Santa Claus, naglalakihang mga polar bears, makulay na children’s park, cartoon characters, at marami pang iba.
Pinangunahan ang opening na ito nina Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas, Mayor Tyrone Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias. Binigyang-diin nila sa kanilang kanya kanyang mensahe ang tunay na diwa ng pasko at ang halaga ng pagkakaisa at pagbubuklod bilang isang pamilya tungo sa ikauunlad hindi lamang ng bawat isa kundi ng buong bayan ng Tayug.
Binigyang-diin din nila ang bawat disenyo, pailaw at ang lahat ng bagay na nasa plaza ay produkto ng pagod at pagmamahal para sa kanilang mga kababayan. Dagdag pa ng alkalde ng bayan, marami pang nakalinyang programa ang LGU Tayug sa buwan ng Disyembre.
Dumalo rin sa nasabing programa ang mga Konsehal ng Tayug, San Nicolas Mayor Alicia Primicias-Enriquez, San Nicolas Vice Mayor Alvin Bravo, mga Konsehal ng San Nicolas, mga punong barangay ng Tayug, at iba pang mga organisasyon at ahensya ng gobyerno. |ifmnews
Facebook Comments